Sa bilis ng takbo ng panahon, dami nang nagbago.Mula sa oras ng paggising hanngang sa oras ng pamamahinga.Mula sa pagiging Maria Clara patungo sa pagiging Eva Fonda.Mula sa pagiging tapat patungo sa pagiging "napakatapat".Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito,naisip ba nating pwede tayong makisabay sa agos ng pagbabagong ito ngunit manatiling tayo sa paglipas ng panahon?
Ako si Lj,isa sa mga pangkaraniwang taong nakikisabay sa mga pangkaraniwang pagbabago sa mundo.Mula sa aking pananalita hanggang sa pakikisalamuha,ngunit hindi sa pananamit,nahihirapn ako dyan.May bagong pananaw sa buhay,bagong ideyang natututunan at bagong taong nakakasama.Sabi nga nila pumayat daw ako,isang napakalaking pagbabago.Lalong bumait,mas naging "mature" etc. etc.Ngunit may isang bagay na hanggang ngayon hindi ko magawang baguhin - ang pagiging iyakin.
Nung pinanganak ako,sabi ng papa ko ang ganda ng iyak ko,nakakabuhay.Sabi nman ng iba sarap ko daw tingnan umiyak.Sarap?Yun kya dahilan ng parati kong pag-iyak,dahil may nasisiyahan at nasasarapan sa pag-iyak ko?Sabi naman ng iba O.A (overacting) na daw ako,ang bilis ko daw umiyak.May batas na ba ngayon na nagsasabing bawal ang palagiang umiyak?
Hanggang ngayon hindi ko mapigilang tumulo mga luha ko,ngunit nakukuha kong itago ito.Minsan kasi mas magandang idaan sa luha at dasal ang mga bagay-bagay.Hindi nman kasi pwedeng lahat ng bagay kelangan mo gawan ng paraan.Gaya ng pagkabagsak mo sa klase.Bagsak ka na,wala ka ng magagawa kundi tanggapin iyon.Hindi ko naman sinasabing umiyak na lang parati.Ang akin lang,mas nakakagaan ng loob ang pagpatak ng luha kesa uminom ng beer kapag may hindi katanggap-tanggap na pangyayari sa buhay.
Kung nasasaktan ka,hindi ba't mas magandang umiyak kesa maghigante sa nanakit sa'yo?Gumaan na pkiramdam mo,nakaiwas ka pa sa karmang dulot nito.Pero teka lang,may paalala lang sana ako,umiyak ka sa nararapat na iyakan.Umiyak ka,ngunit sa iba't ibang dahilan.Wag kang umiyak ng paulit-ulit dahil lang sa iisang bagay.Umiyak ka,limang minuto,pagkatapos pahiran mo luha mo,sabay taas ng noo at tanggapin ang nangyari sa'yo at ipagpatuloy ang buhay na sinimulan mo.Maging bukas sa mga pagbabago ngunit wag kalimutan ang sarili mo,at ang pinanggalingan mo.Dahil sa huli,hindi ang mg luha o ang mga pagbabago mo ang bubuo sa'yo,kundi ang mga taong nanatili sa tabi mo.